VIDEO: Vice Ganda speaks up on It's Showtime TV ratings, issues with Eat Bulaga

MANILA, Philippines - It's Showtime host Vice Ganda on Saturday, October 24 finally addressed issues about TV ratings and the noontime show's supposed competition with rival program Eat Bulaga.

Vice Ganda


Vice Ganda addressed the issue as the Kapamilya show ended its 6th anniversary celebration today.

“Alam mo nagsimula tong episode ngayon, mag mula kanina hanggang ngayon, ang sama ng pakiramdam ko, pero di napapansin yung ngiti di nawawala sa mukha ko, ang kulit-kulit ko, pinapagalitan na nga ako ng mga writers , ‘ang harot-harot mo, kala ko ba may sakit ka’ kasi ang taas lang ng energy ko, di ba kahit masakit yun batok ko , mga buto-buto ko, yung pawis sa kamay ko lumalabas yun stress, alam mo yun yung aking trangkaso, lumalabas,” he said.

Vice then shared how they react when It's Showtime was transferred to noontime from its morning slot in 2009. According to him, other hosts also feared going head-to-head with longest running noontime show Eat Bulaga.

“Pero ang saya-saya ko. Ang tweet ko nga kaninang umaga ‘this is a day to be very grateful.’ Sobrang grateful ko ng araw na to kasi anim na taon, sa bilis na pagpapalit ng panahon, sa bilis ng mga gusto ng mga tao, sa bilis ng tiwala ng mga tao, ibang klase yun six years, ang laki-laki ng nagbago sa paligid ko, ang laki ng nagbago sa mundong ginagalawan ko, ang laki-laki nan g bago sa buhay ko. At ano man ang mangyari ay di ako nagkakaroon ng sama ng loob, galit, lungkot, ngitngit, puro tuwa lang at pagpapasalamat kasi ang laking blessing talaga nitong Showtime, ‘di lang sa akin, kung ‘di sa inyong lahat na nakatutok pa din sa ‘tin hanggang ngayon.

“Nung ginawa nga tayong noontime, sabi kong ganun sa mga boss natin, ‘okay ba sa inyo nagagawin kayong noontime, hindi po ok na kami sa morning show’ lahat kami, lahat tayo nagkaisa na ayaw namin maging noontime, gusto namin morning show lang.

“Sabi ng boss namin ‘bakit?’ ‘eh kasi lalagay niyo kami sa noontime, ‘di naman namin kayang talunin ang Eat Bulaga. Di ba? Kahit pagsamasamahin namin ang powers namin dito, di ho namin kayang talunin ang Eat Bulaga.

“Ang sabi ng boss naming, sino ba ang nagsabi sa inyo na tatalunin niyo ang Eat Bulaga? Di naman namin kayo lalagay sa noontime para talunin ang Eat Bulaga. Sasamahan niyo lang sila sa pagpapasaya.

“Kaya magmula ng araw na yun na nandito kami sa noontime, hanggang ngayon, wala kaming nararamdamang ano, kasi wala naman kaming intenstsyong makipagtalo at makipagaway. Sa simula pa lang po, talo po kami. Itinataas po namin ang bandera dahil sila ay aming mga idolo at modelo. Hindi namin matatalo yan,” the comedian stated.

Vice gave advice those who criticize It’s Showtime on social media.

“Sabi nga nila, sa mga nagtu-tweet, sa mga nagco-comment sa Instagram, mga Facebook natin, ‘bat ayaw niyo pa kasi sumuko, talo na kayo?’ Paano ho ang gagawin namin dahil di na kami masyado nagre-rate, di na kami papasok? Paano naman ho yun mga taong pumunta sa studio? Paano na ho yun iilan naming fans na nagaabang po sa amin? Ang tanong ko nga sa sarili ko, hanggang kelan nga? Hangga’t may isang tao umaasa di po kami matatapos.”

The host comedian thanked those who continue to support the Kapamilya noontime show.

“Nakalagay sa labas ng studio namin is make people happy yun lang ho ang goal namin. Kaya maraming, maramin salamat dahil hinahayaan niyo kami hanggang ngayon na patuluyin sa bahay niyo at sabay-sabay tayong nagtatawanan at dinadama ang good vibes mula Lunes hanggang Sabado, kasama ang Showtime Family. Maraming, maraming salamat po,” he said.

He also encouraged netizens to stop squabbling on social media who is the number 1 noontime show.

“Huwag po kayo mag-away away sa social media, ang dami ko nang kilala na nabawasan ang mga friends sa Facebook dahil nakikipagaway kayo. ‘Di mo na kailangan makipagaway sa tao kung sino ang no.1 na noontime show, kami pong mga host ng Showtime at mga host ng Eat Bulaga ay ‘di magkakaaway sa totoong buhay, kaya dapat kayo rin, ‘di kayo magkakaaway,” he said.

Host Billy Crawford meanwhile said: "We're here not to compete, we're here to commit."

WATCH: Vice Ganda says It's Showtime can't topple Eat Bulaga


RELATED STORY
TVJ wins: Teddy, Vice and Jugs named grand champion of 'Magpasikat 2015'



Previous Post Next Post